Australia Free Web Directory

MUSH WP | Author



Click/Tap
to load big map

MUSH WP

Phone: +61 466 645 904



Reviews

Add review



Tags

Click/Tap
to load big map

21.01.2022 Hi, If u want! Just try my story! Title: itama ang pagkakamali (ongoing) Author: @_callmeB Genre: Mystery-Thriller/Romance... Link: https://www.wattpad.com/story/253920974 Story Description: Madison "Maddie" Alessandra Rodd, 24 na taong gulang ay isang magandang babae na nag aaral sa FEU at habulin ng mga lalaki, hanggang sa nakilala niya si Dino Angelo Dreysus na classmate niya noong highschool pa lang. Nagbuo si Dino ng Grupo kung saang nakilala niya si Angela Joy Collins na naging isang taon niyang best friend. Noon pa man ay may namamagitan na sa kanila pero dahil malayo sila sa isa't isa ay nakilala niya si Jayson Tank Huron na Law student at Secret Agent. Paano niya maitatama ang nagawa niya kay Joy nang dahil sa mga paratang niya sa kaniya, habang si Jayson mismo ang nagbuo ng mga pangarap nila. Maitatama ba ang pagkakamali nila? Maisasalba pa ba ang pagkakaibigan? Maibabalik pa ba sa dati ang samahan?



15.01.2022 Unfamiliar World Genre: Fantasy/Romance Written by: Mush (@_callmeB) Rank: 18th place in Mount Writing Contest held last February 12, 2021...Continue reading

09.01.2022 Wala pang 1month noong inumpisahan ko to 100 na agad this will be the best novellete that i made! Like thru ups and downs MADISON!

07.01.2022 The letter Written by: _callmeB It’s been one year since my last letter to someone who I loved? Really? Minahal or niloko ko lang? Hindi madali kalimutan ang is...ang tao lalo kung may nagawang mabuti sa’yo. Hindi madaling magmahal ng iba lalo na ang taong ‘yun ang nagpabago sa’yo. Sa lahat ng exes ko si Leslie lang ang una at huling taong minahal ko ng tunay. Lahat ng sulat ko patungkol sa kaniya ay pinadala ko pero nang makita ko sa mailbox ay punong puno ng sulat at nagbagsakan iyon. Dalawang taon ang nakalipas simula noong huling balita ko sa kaniya. Pagbukas ko ng mailbox ay punong puno iyon ng mga sulat at ito na din ang una at huling uwi ko ng pinas dahil lahat ng pamilya at kaanak ko ay nasa ibang bansa na. Pinulot ko iyon at nilagay ko sa isang supot. Malamig ang hangin at gabi na din kaya nagmadali din ako at baka makita din ako ng bagong may ari ng bahay na binenta ko isang taon na ang nakalipas. Nagtungo ako sa hotel na tinutuluyan ko para ilapag ang lahat ng mga sulat duon at lumabas ulit ako para maghanap ng tindahan. Miss pabili ho ng piatos at nova, wika ko sa isang tindera na nakatayo sa harapan ko. Binigay kaagad sa akin iyon sabay na nagpaload, nagbabaka sakali akong makuha ko ulit number niya sa mga letters na nanduduon. Bumalik kaagad ako sa hotel at isa isa binuksan ang bawat sulat na nanduduon. Dear: Les. Natanggap na ako sa trabaho, this is the first job that I really really love and ginagawa ko ‘to para sa’tin. Mahal na mahal kita! Bea. Nakalagay iyon sa card na may laman ng mga palamuti at mga burloloy na pang attract sa kaniya. Apat na buwan lang naman ang nagtagal sa amin, at sa apat na buwan na ‘yun ay siya lang ang nagpabago sa dating magulo at malamig kong pananaw at buhay. Nagkikita kami dati pa man pero hindi din nagtagal dahil nagibang bansa din ako, naalala ko ang unang sulat ko sa kaniya at nasa canteen pa ako nun noong high-school ako. Dear, To someone na mataba, maputi at may salamin. Naattract ako sa chubby, oo ikaw ‘yon! Hindi ko alam name mo kasi sa rpw pa lang kita nakilala nuon eh. Pamysterious type pa ako mahahalata mo din naman. Nga pala? Ano pangalan mo? Gusto ko kasi makita mo ‘to pag naging tayo na mga ilang taon pa kaya ‘yun? Basta crush kita. Your taga hanga. Bea Natawa na lang ako habang binabasa ko iyon. Hinanap ko ang pangalawang sulat at nagkalat na ang mga sulat sa sahig ko. Dear, Les Gusto talaga kita. Sinabi ko na gusto kita ligawan pero sabi mo very soon kasi may mga problems ka pa. Promise mag iintay ako para sa’yo. Hindi ko kasi alam eh, nainlove at nahulog na ako sa’yo. Your Love, Bea Napangiti na lang ako nang maalala ko ang una at pangalawang sulat ko sa kaniya na hindi ko naman naipadala sa kaniya mismo dahil sa hiya kong baka mabasa ng magulang niya. Nagbuklat pa ako ng dalawang letter na sa address ko lamang pinadala. Dear Les, Happy 2nd month, thank you for everything you’ve done to me simula noong 1st month natin. I may not the perfect kind of woman to you but we’re growing to each other. Hindi tayo gaano nagaaway unlike sa mga ibang relationships, nag aasaran lang. I keep backreading to our conversation sa facebook and kahit na cold ka minsan at hindi showy basta alam kong mahal mo ako. I love you so much. Your Love, Bea Nanginginig ang mga mata kong namumugay habang binabasa iyon. Siya lang ang minahal ko ng ganito na kahit na sino pa ay hindi ko gaano sineryoso kun’di siya lang. Dear Les, Happy 4th! Alam kong nagsstruggle ka d’yan sa pinas dahil sa pandemic. Promise I’ll keep trying to reach you pero you keep yourself isolated. I’m here pero parang tinataboy mo na ako. Kasalanan ko din naman. Lahat lahat. I keep blaming myself pero alam kong mali din ang nagagawa ko. Ang dami kong pagkukulang sa’yo pero ayoko mawala ka dahil mahal na mahal kita. Your Love, Bea Pinunasan ko ang luha kong kanina pang tumutulo nang biglang may kumatok sa hotel ko. Bigla ko iyon sinilip at isa iyong bell boy. Hi Ms. Bea, my letter ka po. Aniya Kinuha ko iyon at tumango. Animo’y napasinghap pa ako sa kaniya na nakangiti lamang. Salamat po. Wika ko lang at umalis na siya sa harapan ko. Binuklat ko iyon at may isang petal ng rosas ang bumungad sa akin. Mabango ito at mukhang bagong lagay. Isa iyong funeral invitation. Napatakip ako ng bibig ko at humagulhol ako at nanginginig ang mga binti ko, hindi ako makalakad at umupo ako habang binabasa iyon. Sa akin ko lang pinapadala ang mga sulat na gustong gusto ko sabihin kay Leslie pero hindi ko magawa dahil matapos ang dalawang buwan simula noong maghiwalay kami ay binlock na niya ako sa lahat ng account niya. Mabuti na lang ay close ko ang bagong may ari ng bahay at hindi niya ginagalaw ang mailbox na ginawa namin ng papa ko noong bata pa lang ako. May pinadala akong sulat sa kaniya dalawa. Hindi ko alam kung natanggap niya. Tinignan ko ang lahat ng sulat na nanduduon at may isang sulat mula kay Les ang hindi ko pa nabubuksan. Date: August 28, 2020 Dear, Bea Hi, kamusta ka? Alam kong nasa Australia ka pero dito ko na pinadala baka kasi mag alala ka. May sakit ako, positive sa Covid. Pero kaya ko ‘to. Malalabanan ko ‘to nang wala ka. By the way, balita kong may bago ka agad. Tama ka nga, mabilis ka mag move on. Hindi ka na nga magbabago sana ay masaya ka d’yan sa bago mo. Have a happy life and be matured na. PS: napanuod ko na yung favorite mong series sa netflix. Kaya h’wag ka nang gagalit okay? Your Love, BEFORE Leslie Nakakailang tissue na ako dahil sa kanina pang pag iyak. Hindi ko man alam ang balita ko sa kaniya. Gusto ko nang umuwi pero nag iipon pa ako ng pera pang uwi. Sana this year or next year. May dalawang sulat ako na gustong gusto ko ipadala iyon sa kaniya. Ang latest na sulat ko na recent ko lang ding sinulat. Dear, Les Hi, kamusta ka? Alam kong masaya ka sa rpw kasi nakikita ko madalas mga post mo, sa secret account ko siyempre. Hindi ako magpapakilala dahil once a week lang din ako nag oopen. Busy din ako sa work at school. At ayun. Mas active ako ngayon sa sarili ko. Sana ikaw din. At sana mahanap mo na yung tao para sa’yo. Ikaw pa! Kaya mo yan! Your friend, Bea. Gusto ko mang ipadala kaso huli na ang lahat. Tumayo ako at kinuha ang isa pang sulat na hindi ko pa nabubuksan. Iniwan ko lang ang mga kalat ko at umalis sa hotel. NAGBIYAHE ako mula Bulacan papuntang Rizal kung saan duon naka address ang lugar sa isang invitation. Naiinis ako sa sarili ko at the same time, hindi ko na masabi ang nararamdaman ko. Ngayon na sana kaya lang sana marinig niya ako. Nagtungo ako sa mismong bahay niya at tumbad sa akin ang mga puting ilaw at puting bulaklak na may kabaong sa harapan at diretsyo ako du’n. I miss you, Les. I didn’t know that you’re gone. Isang ngiti na mapait ang tumbad sa akin. Sabay na pagtulo ng mga luha kong kanina pang tumutulo sa biyahe pa lang. I’m so sorry, Les. I love you, 3000. Isang bulong ko lang sabay na pag hagulhol ko sa kabaong niya at madama ko ang huling sandali niya. Tne end.



07.01.2022 Hello, Stranger (Romance/LGBT/Drama) Written by: _callmeB Matapos ang anim na buwan na mawala ako sa mundong kinabibilangan ko, natapos na din ang paghihirap ko...ng maging isang babaero. Komplikado mang ikuwento pero kailangan. Kailangang ilabas ang saloobin mo sa pamamagitan ng pag arte sa kamera. Aaaannnd cut! Wika ng direktor sa akin habang naglalakad sa hallway. That’s a wrap! Andi! GoodJob! Dugtong nito at napabuntong hininga ako. S-salamat direk. Sagot ko lang ng malamig. Matagal na akong part time sa pag arte dahilan ng lagi ang pag-aaral ang inaatupag ko at sa isa ko pang trabaho na paglilinis. Para ding makatulong sa pamilya at sa aking pang ipin. Mahal pa din kita, wika ng babaeng nasa TV na pinapanuod ko pero sinampal lang siya. Gan’yan dapat, Andi! Y-yung buong buo ang emosyon, lately nawawala na ‘yun? Tanong nito sa akin habang nasa office niya. Hindi ko gusto ang pag arte pero kailangan ko talaga ng pera. Hindi sa mukhang pera pero gusto ko makapag ipon sa sarili. S-sir, indie lang naman ginagawa na-natin. At saka alam mo naman na ayaw ko, tay! Sagot ko sa kaniya. Wala na kaming makakahanap na iba kun’di ikaw lang. kaya please.. aniya nang lumapit siya sa akin. Tanggapin mo na ang offer.. pagmamaka awa na wika nito. Napabuntong hininga ako at napatakip ng mukha. Tay, ex ko si Carla hindi ba puwedeng iba na lang, ang dami mo pang talents, nagmamaka awa din akong tanggihan niya ang offer. Napatingin na lang siya at niyakap ako. Alam kong hindi ka pa nakakamove on nak pero para sa kinabukasan mo din ‘to. Ang isipin mo strangers lang kayo, ganun na lang okay? Tapik niya sa akin at lumabas ng office. Aawatin ko sana siya pero tumulo na lang ang luha ko. Namumugay ito dahil ilang araw na ako kinakausap ni tatay na direktor ng pelikulang gagawin namin na magteam up kami ng ex kong si Carla. Umuwi akong matamlay at hindi ako makausap ng dorm-mate kong si Wes. Ang kaibigan kong lalaki na classmate ko sa college. Graduating ako ng Fine Arts kung saan classmate ko lang siya sa isang subject at sa club pa ‘yun. Ang creative writing. Si Tito nanaman ba? Tanong nito at napatingin ako sa kaniya. Tumango lang ako at tinulak ko siya. Gusto ko mapag isa, Wes. Matamlay kong sambit. Umalis siya sa harapan ko at nakatakip lang ako ng mukha sa unan kong basang basa na ng luha. Hindi ko alam ang susunod na mangyayari pero gusto ko ipaalala sa kaniya kung gaano kasakit na maiwan, pero masama gumanti. Gusto ko na lang sabihin na sana masarap pa ang ulam niya pero ni kausapin ay hindi ko magawa. Napaupo ako nang maisip kong mukha akong tanga kaka iyak dahil mangyayari at mangyayari din naman iyon. Panigurado akong tinanggap na niya ang offer. Gusto ko na lang munang matulog dahil sa pagod kong galing trabaho at Final exam ko pa kinabukasan kaya nag review muna ako bago matulog. NAMUMUGAY at matamlay ang mata ang bumungad sa akin habang nag eexam dahil sa pag rereview. Hindi lang sa pag rereview kun’di sa pag iisip kung sakaling mag kita kami ulit, ano sasabihin ko? Ano gagawin ko? Gusto ko nang iquit ang pag arte pero yun daw ang h’wag na h’wag kong gagawin. Bakit ba kasi nag aral ng fine arts si tatay. Nakayulo akong nagsasagot at mabuti na lang at mediyo madadali iyon nang may nagbukas ng TV at nagplay ang isang commercial na nagawa naming dalawa. Ayiiieee Carla and Andi! Wika ng mga lalaki sa likod sabay na naghiyawan. Alam nilang bisexual ako at alam din nilang hiwalay na kami ni Carla kaya pinagbabato ko sila ng papel na nasa table ko. Ho-hoy! Boys at the back! Turn the TV of! We’re doing exam! Pagsusungit ni Ma’am Solidad habang nag iikot. Tapos na ang mga boys dahil alam kong nagkopyahan lang sila. Final exam eh! Excited nang grumaduate. Pasahan na ng papel at pagpasa ko ay may isang babae akong nasagi ng mata ko pero ang buong akala ko si Carla kaya napatingin ako sa bintana habang hawak ko ang papel. Andi! Sigaw ni Ma’am. Nagulat pa ako at saka inabot ang papel. Hinablot iyon at tinignan ako ng masama, grabe wala lang asawa nagsusungit na. Naglalakad ako papuntang dorm ko at gusto ko na lang ulit na matulog. Pagod na pagod na ako kakaisip sa kung ano sasabihin ko pag nagkita kami ulit. Nahiga na lang ako sa kama ko at tinignan ang gallary ko na may picture pa din niya. Alam kong hindi pa nga ako nakakamove on. Kaya nga pinaabot ko ng 6months ang pagiging single ko. Pero alam ko, handa ko nang bitawan ang lahat kaya isa isa ko nang binura ang mga litrato at mga saved video calls namin. Maya-maya pa habang nagbabasa ako ng convo namin ay may malakas na speaker ang dumaan sa dorm ko, alam ko si Jules iyon dahil mahilig magdala ng speaker ‘yun. Patugtog ang Paubaya ni Moira. SYETE NAMAN JULES! KITA MONG NAGDADRAMA ANG TAO SASABAYAN MO PA! Sigaw ko sa buong dorm ko. Pag labas ko ay tinawanan lang ako ni Wes. Masama ang aura at tingin ko sa kaniya. Tama na kasi ang pagdadrama, wika nito nang hampasin ko siya ng libro na hawak ko. Wala kang alam Wes! K-kala mo nam-naman.. at bigla na lang ako humagulhol. Niyakap lang ako ni Wes at kailangan ko may mapaglabasan ng sama ng loob ngayon. For the last time, kasi kada nag oopen ako ay naiiyak ako. Masakit maiwan lalo na nalayo ka sa magulang mo at ikaw lang mag isa sa dorm. Kailangan maging independent. Ilang pelikula na ang iniyakan ko at kada naalala ko siya ay bigla na lang ako umiiyak. Tama na, 2021. Wika lang ni Wes at natawa ako ng onti dahil line ko iyon. Pinaupo niya ako sa upuan ko sa kitchen at binigyan niya ako ng tubig. Mag open ka na Ms. Andi, aniya at tinignan ko lang siya. Alam mo naman na bi ako ‘di ba? Tanong ko. May pumasok sa dorm ko at si Waige iyon na kapatid ni Wes. Bigla ako tumayo at niyakap siya. Sa kaniya ako nagoopen ng lahat lahat. Simula noong nakipagbreak siya after ng birthday ko. 9 days after ng birthday ko nagusap kami. Alam mo namang nagumpisa kami sa set ng Hello, Stangers, yung GXG series na ginawa ni tatay.. bungad ko. Iwan ko muna kayo Waige, wika ni Wes at saka lumabas ng dorm. Hindi ako nagoopen sa kaniya dahil nahihiya ako. ‘Di ba sabi ko sa’yo na lahat ng ginagawa niyo sa set wag niyo totohanin. Like pag dun lang dun lang.. saway niya sa akin at tumango lang ako. Nagumpisa lang din naman kami sa flirting eh. Alam mo ‘yun ‘di ba?! Tanong ko at niyakap lang niya ako. May season 2 ng Hello, Stangers pero tumanggi na ako. Feeling ko tinanggap ni tatay. paliwanag ko. Hindi ko pa kayang makita si Carla. Baka maging marupok ako sabihin ko sa kaniya I miss her, a bit. Delikado nga di! Ikaw pa naman lagi inaasahan ni tito kahit na napapadalas ang absent mo sa set. Sagot lang niya at tumango ako. Naalala ko noong biruan namin na kada magkikita kami ay laging Hello, Stanger ang bati naming dalawa. Hello, Goodmorning ‘di! Bati niya sa akin. Hello, Stanger! Sabay tawa ko at natawa din siya. Ang kauna-unahang bati namin sa workshop pa lang. naattract agad ako sa kaniya sa sexy at morena niyang itsura na mala bisaya ang dating. Dahil ang show namin is Hello, Stranger ay ginamit ko iyon pambati sa kaniya. Unang usap namin ay masaya na siya kausap at sobrang matured. Gusto kita. wika ko sa kaniya sabay na kiniss siya pero sinampal ako. And cut! Good job Andi and Carla! Wika ni direk na walang ginawa kundi i-cut ang mga favorite kong scene. Natawa na lang ako at natawa din siya sabay na hinawakan niya ang mukha ko. Masakit ba? Pag aalala niya. H-hindi okay lang. ikaw lang sasampal nito, sabay kindat ko sa kaniya nang hampasin ako. Ang harot Di! At ngiti na din niya. Nagkaroon din ako ng chance na umamin sa kaniya pero wala sa isipan ko na halikan siya mismo sa ending part ng final season. Magkikita pa ba tayo? Tanong ko sabay na tumango siya. Finocus ang camera sa kamay naming dalawa pero iba ang nangyari, hinila ko siya at hinalikan. Cut! Cut! Sigaw ni direk pero dinama ko ang sandaling magkasama kami. Naghiyawan ang lahat ng tao na nanduduon dahil nagiging totoo na nga ang series na ginawa namin. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pag kasama ko siya pero nagulat ako matapos ang series ay uuwi siya. Uuwi ako ng Cagayan. Wika nito at nagulat ako. O-oh sige. Walang problema. Sagot ko sabay na inakbayan siya. Magkikita pa ba tayo? Tanong nito at napalingon ako. Sa pag-aaral mo ‘yan Carla, bakit kita kokontrahin? At niyakap ko siya. Mag uusap pa naman tayo sa facebook ‘di ba? Tanong ko at tumango lang siya. I miss you agad Di! At hinigpitan pa niya ang yakap sa akin. Gihiggugma tikaw. Banggit ko in bisaya dahil tinuruan niya ako. I love you more. At tingin niya sa akin, hinawakan ang kamay ko sabay na bumitaw ng dahan dahan. To be honest, siya yung pinakasweet kong girlfriend na nakilala ko at nakasama. Nakakakilig ang bawat chats namin araw araw at bawat calls namin t’wing gabi. Umabot kami ng 1st monthsarry nang wala kami sa isa’t isa. Carla Happy 1st month by, ang bilis ng panahon no? Dati finafollow lang kita sa IG, nakasama kita sa set at ngayon minamahal na kita. I’ll never forget the day we met on facebook and sa group pa ‘yon ng workshop. You’re very approachable and nice. Hanggang sa magkasama na tayo. Enjoy your day baby! I love you. Message niya sa akin dahil busy din ako nun sa work ko. Instead na batiin siya, pinadalhan ko siya ng voice messege. At dahil matagal tagal iyon ay inwan ko na lang phone ko hanggang sa mag sent. Kaya dahil hindi ka din makamove on dahil pabalik balik ka? Wika ni Waige na nagtataka. Tumango lang ako at nakatitig lang ako sa kaniya. Kung gusto mo makausad dapat burahin mo ang lahat ng memories na meron kayo. Para pag nagkita kayo ulit ay hindi na ilang paliwanag nito. Hindi lahat ng happy memories kailangan ikeep, kailangan ding itapon ‘yan pati yung tao mismo, alam kong masakit pero kailangan Di! Advice ng kaibigan kong mas matanda sa akin ng isang tao. P-pero m-mahirap! May diin kong wika at hagulhol ko lang sa kaniya. Kailangan para makausad ka. Sagot lang nito. May nagring sa phone ko at si tatay iyon. Pinunasan ko muna ang luha ko at umayos ng pagkakaupo. H-hello tay? Bungad ko na napaos paos pa. Nak, tuloy ang season 2, may taping ka mamaya. Sagot nito pero pinatayan ko ng tawag ang tatay ko. Alam kong kailangan namin ng pare-pareho ng pera pero gusto ko na sabihin sa tatay ko lahat ng nararamdaman ko at saloobin ko. Kailangan ko maging matapang sa pagkakataong ito. Alam kong mas mahalaga ang school niya dahil alam ko bumagsak siya dahil sa akin. Wika ko lang at naiyak ulit. Naalala ko kung paano niya ako iniwan. Tama na, Andi! Papanget ka lalo eh! Sagot lang niya nang batukan ko siya. Gaga! Ano sasabihin ko?? At nag palumbaba na lang ako. MAYA-MAYA pa ay umalis na ako sa dorm ko at diretso sa taping kung saan may dalawang babae na magkasama. Nagulat ako dahil mediyo kamukha ko siya kasama ng isa. Andi, this is Tasha and Beyu, ang papalit sa Carla and Andi. Paliwanag nito nang biglang lumuwag ang ngiti ko at niyakap ang tatay ko. Sa’n pala si Carla? Tanong ko bigla at nagpalinga linga ako. Mabubusy na siya sa school niya at hindi na makakabalik ng Manila. Kinamusta ka nga niya. Sagot ko okay ka lang. masaya ang anak ko nang wala ka paliwanag niya nang mapaluha ako at niyakap ulit siya. T-thank you, tay! Wika ko lang na namamaos ang boses. Hindi ko kaya saktan ang damdamin ng anak ko, kung ano gusto mo, gusto ko din! Sagot nito nang mapalingon ako at may dalawang babae na nakatayo sa harapan namin para mamaalam. Hi Andi. Bungad ni Carla Hello, Stranger. The End.

Related searches