Australia Free Web Directory

Mission to Seafarers, Geelong in Geelong, Victoria | Social service



Click/Tap
to load big map

Mission to Seafarers, Geelong

Locality: Geelong, Victoria

Phone: +61 3 5278 6985



Address: 7 the esplanade 3214 Geelong, VIC, Australia

Website: http://www.mts.org.au

Likes: 128

Reviews

Add review



Tags

Click/Tap
to load big map

24.01.2022 Father, thank You for Your constant care for our souls. Amen.



24.01.2022 Am I listening for the voice of my Shepherd?

22.01.2022 Tagalog Sunday Service (22 Nobyembre 2020) Luwalhati sa Dios Ama, Dios Anak at Dios Espiritu Santo: mula pa noong pasimula, ganoon din ngayon at magpakailanman.... Amen. O Dios ng kapangyarihan at pag-ibig, Kayo po ang bumuhay sa Inyong Anak na si Jesus mula sa mga patay, taglay Ninyo ang kaluwalhatian upang pamunuan ang lahat ng Inyong nilikha. Palayain N’yo po ang mundong ito at magagalak kami sa kapayapaang Inyong ipagkakaloob. Manaig nawa ang katarungan at mamuhay kami sa Inyong pagmamahal. Pagbuklurin N’yo po kami sa pamamagitan ng Inyong Anak na si Jesus, na nabubuhay at naghahari kasama Ninyo at ng Banal na Espiritu, na iisang Dios, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen. Mateo 25:31-46 Kapag ako na Anak ng Tao ay dumating na bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, uupo ako sa aking dakilang trono. Titipunin ko sa aking harapan ang lahat ng lahi sa mundo. Pagbubukud-bukurin ko sila, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at kambing. Ang mga tupa, na walang iba kundi ang matutuwid, ay ilalagay ko sa aking kanan, at ang mga kambing, na walang iba kundi ang masasama, ay ilalagay ko sa aking kaliwa. Pagkatapos, bilang Hari ay sasabihin ko sa mga tao sa aking kanan, ‘Halikayo, kayong mga pinagpala ng aking Ama. Manahin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang mundo. Sapagkat nang nagutom ako ay pinakain ninyo ako, at nang nauhaw ako ay pinainom ninyo. Nang naging dayuhan ako ay pinatuloy ninyo ako sa inyong tahanan, at nang wala akong maisuot ay binihisan ninyo. Nang may sakit ako ay inalagaan ninyo, at nang nasa kulungan ako ay binisita ninyo.’ Sasagot ang mga matuwid, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? Kailan namin kayo nakitang naging dayuhan at aming pinatuloy o walang maisuot at aming binihisan? Kailan namin kayo nakitang may sakit o nasa kulungan at aming binisita?’ At sasagot ako bilang Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo ang totoo, nang ginawa nyo ito sa pinakahamak kong mga kapatid, para na rin nyo itong ginawa sa akin.’bibigyan ko ang mga matuwid ng buhay na walang hanggan. Ngayong araw na ito ng Linggo ay ipinagdiriwang natin ang tinatawag na Christ the King. Sa bawat taon, bago ang tinatawag na Advent, ating kinikilala si Cristo bilang hari. At bilang hari, itinuturing natin Siya bilang ating pastol. Dahil alam nating si Jesus ang Hari, ang Pastol na Hari, napapanatag ang ating kalooban. Nakatitiyak tayo na Siya ang tutulong at gagabay sa atin. Mahal tayo ni Jesus, Siya ang nagpapagaling sa ating mga karamdaman. Siya rin ang nagliligtas sa atin mula sa kamatayan at Siya ang nagkakaloob sa atin ng buhay na walang hanggan. Ginagabayan at binabantayan tayo ni Jesus. Mahal Niya ang mga abang makasalanan na tulad natin. Siya ang humahanap sa mga naliligaw ng landas. Pinapatawad tayo ni Jesus. Puno Siya ng kahabagan, kaawaan at hindi nagmamaliw ang Kanyang pag-ibig sa atin. May nais ituro ang Panginoong Jesus mula sa mga talatang nabasa nating talinghaga tungkol sa tupa at kambing. Sino ang tinutukoy na mga tupa sa talinghagang ito? Sinabi ni Jesus na ang mga tupa ay ang mga nagbigay sa Kanya ng makakain noong Siya’y nagugutom, nagbigay sa Kanya ng maiinom noong Siya’y nauuhaw, ang nagpatuloy sa Kanya sa kanilang tahanan noong Siya’y naging dayuhan, ang nagbihis sa Kanya noong wala Siyang maisuot, ang nag-alaga sa Kanya noong Siya’y may sakit at ang bumisita sa Kanya noong Siya’y nasa kulungan. Ang mga kambing naman ay ang mga hindi gumagawa ng ganito. Mga kapatid, marahil ang lahat sa atin ay hindi nagnanais na maging mga kambing. Gusto nating lahat na gawin kung ano ang tama pero sinisikap ba talaga natin na gawin ito? O hinahayaan nating maging bulag at maging mapanghusga sa mga tao at hindi natin napagtatanto na kung ano ang ginagawa natin sa ating mga kapwa ay parang ginagawa natin mismo kay Jesus? Alalahanin natin na narito si Jesus sa ating kalagitnaan. Siya ang kumakatawan sa lahat lalo na sa mga taong binabalewala ng lipunan at kaawa-awa sa paningin ng iba. Si Jesus na ating Hari at Pastol ay tila kasama nating namumuhay dito sa mundo. Naparito Siya noon, 2,000 libong taon na ang nakakaraan. Ngunit ngayon, dapat nating isaisip na ano man ang ginagawa natin sa ating kapwa ay para na rin natin itong ginagawa sa Panginoong Jesus. Alalahanin natin ang Kanyang dinanas noong Siya’y naparito sa mundo at namuhay kasama ng mga tao. Siya ay kinutya at tinakwil ng Kanyang mga kababayan. Nagpapaalala ito sa atin ng mga taong tinakwil ng lipunan at dumaranas ng mga hirap na dapat nating kalingain. Ang talinghagang ito tungkol sa tupa at kambing ay hindi lamang para ituro sa atin na tulungan ang mga naghihirap na dayuhan. Ito ay upang bigyang pansin natin ang pagmamalasakit sa mga taong itinuturing na aba, sa mga taong binabalewala ng lipunan. Ito rin ay para kilalanin ang ating Hari na naparito sa mundo at alalahanin ang mga dinanas Niyang hirap alang-alang sa kaligtasan mula sa ating mga kasalanan. Alalahanin natin na lubos Siyang pinahirapan at ipinako sa krus para tayo’y magkaroon ng buhay na walang hanggan. Kung talagang sumasampalataya tayo kay Jesus at minamahal natin Siya, dapat nating gawin kung ano ang ninanais Niyang gawin natin. Kung nais nating gawin kung ano ang tama sa Kanyang harapan at kung nais natin na magpakita ng malasakit, humanap tayo ng mga taong matutulungan. Tandaan natin na ano man ang ipapakita at gagawin natin sa ating kapwa ay para na rin natin iyong ginawa sa Panginoong Jesus. Si Jesus na ating Pastol ay hindi tayo ituturing na mga kambing kung tunay tayong sasampalataya sa Kanya. At bilang mga tupa, dapat tayong sumunod sa ating Mabuting Pastol na labis na nagmamalasakit at nangangalaga sa atin. At huwag nating kalimutang kalingain ang mga mahihina at nahihirapan tulad ng ginawa Niya. Sumasampalataya ako sa Dios Amang makapangyarihan sa lahat na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Jesu-Cristo, ang nag-iisang Anak ng Dios, Panginoon nating lahat, nagkatawang tao sa pamamagitan ng Dios Espiritu Santo, ipinanganak ng birheng si Maria, pinagpakasakit ni Pontio Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing; nanaog sa karoroonan ng mga patay. Nang ikatlong araw ay nabuhay na muli; umakyat sa langit, at naluklok sa kanan ng Dios .Ama; doon magmumula, paririto at huhukom sa nabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, sa Banal na simbahang unibersal, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan at sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Siya Nawa. (Panalangin ng mga marino) Panginoong Dios, salamat po dahil Kayo ang nagbibigay sa amin ng kalakasan at mga kakayahan. Tulungan N’yo po kami na gamitin ang mga kakayahang ito sa paraang ninanais Ninyo. Tulungan N’yo rin po kami na paglingkuran ang bawat isa. Pabanalin N’yo po kami na Inyong mga anak na sumasampalataya sa Inyo. Nawa’y mas maging mapagmahal kami, mapagmalasakit at maging magalak sa pagbibigay ng serbisyo sa aming kapwa. Patnubayan N’yo po kami upang makapamuhay kami nang naayon sa kalooban Ninyo bilang mga Kristiyano. Matulungan nawa namin ang aming kapwa marino. Ingatan at protektahan N’yo po ang mga mahal namin sa buhay. Ingatan N’yo rin po kami hanggang sa makabalik kami sa aming mga tahanan.Tulungan N’yo nawa kami na umiwas sa anumang tukso at gawin kung ano ang nararapat sa Inyong harapan. Ito po ang aming dalangin, sa Pangalan ni Jesus, Amen. Ama namin, sumasalangit Ka Sambahin ang ngalan Mo Mapasaamin ang kaharian Mo Sundin ang loob Mo Dito sa lupa, para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin Mo ang aming mga sala, Para ng pagpapatawad namin Sa mga nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya Mo kami sa lahat ng masama. Sapagkat Iyo ang kaharian, at kapangyarihan, At ang kadakilaan, magpakailanman. Amen. Ang kagandahang-loob ng Panginoong Jesu-Cristo, ang pag-ibig ng Dios Ama at ang pakikipisan ng Banal na Espiritu Santo ay suma-amin nawa ngayon at magpakailanman. Amen.

22.01.2022 Faithful Father, thank You for Your love that never changes! Help me to love You by serving You faithfully today. Amen.



22.01.2022 Tagalog Sunday Service ( 23 Agosto 2020) Luwalhati sa Dios Ama, Dios Anak at Dios Espiritu Santo: mula pa noong pasimula, ganoon din ngayon at magpakailanman. A...men. O aming Dios na Manlilikha, Kayo lamang po ang makapagbibigay sa amin ng kapahingahan sa aming naguguluhan at pagod na puso. Turuan Nyo po kami na ihandog ang aming sarili sa paglilingkod sa Inyo bilang mga mananampalataya. Dahil ditoy makakasumpong kami ng kapayapaan at makaharap Kayo nang mukhaan sa darating na panahon sa pamamagitan ng aming Panginoong Jesus. Amen. Roma 12:1-8 Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya. Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, para malaman ninyo ang kalooban ng Dios kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.Sa biyayang ipinagkaloob ng Dios sa akin, sinasabi ko sa inyo na huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili ng higit sa nararapat. Sa halip, suriin ninyong mabuti ang inyong kakayahan ayon sa pananampalatayang ibinigay ng Dios sa inyo. Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at ang bawat bahagi ay may kanya-kanyang gawain, ganoon din tayong mga mananampalataya. Kahit na marami tayo, iisang katawan lang tayo kay Cristo, at magkakaugnay tayo sa isat isa. Ibat iba ang kakayahang ibinigay sa atin ng Dios ayon sa kanyang biyaya, kaya gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang kaloob ng isang tao ay pagpapahayag ng salita ng Dios, kailangang ipahayag niya ito ayon sa kanyang pananampalataya. Kung ang kaloob niya ay paglilingkod sa kapwa, maglingkod siya. Kung pagtuturo, magturo siya; kung pagpapayo, magpayo siya nang mabuti; kung pagbibigay, magbigay siya nang maluwag; kung pamumuno, mamuno siya nang buong sikap; at kung pagtulong sa nangangailangan, tumulong siya nang may kagalakan. Isinulat ni Pablo sa mga mananampalataya na taga-Roma ang tungkol sa pagliligtas ng Dios sa mundo sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo. Makakamtan ng mga tao ang kaligtasang ito na mula sa Dios simula sa mga Israelita at maging ang lahat ng sumasampalataya kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas na buong-pusong pinaniniwalaan na Siyay namatay para sa atin at muling nabuhay mula sa mga patay. Sinabi ni Pablo sa kanila, Kaya nga mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo alang-alang sa maraming pagkakataong kinaawaan tayo ng Dios, ibigay ninyo sa kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa kanya. Ito ang tunay na pagsamba sa kanya. . Ang sinabing iyon ni Pablo sa mga taga-Roma ay nagsisillbing mahirap na hamon para sa atin dahil maaaring isipin natin na hindi karapat-dapat ihandog ang ating mga sarili na hindi-perpekto. Ano nga kaya ang ibig sabihin ng pagbibigay sa ating mga sarili sa Dios bilang handog na buhay? Paano natin iaalay ang ating mga sarili o katawang panlupa na puno ng kapintasan at kahinaan dulot ng ating mga kasalanan at mga pinagdaanan sa buhay? Paano natin maihahandog sa Dios ang mga sarili nating hindi perpekto gayong ang mga inihahandog ng mga Israelita noon sa templo ng Dios ay iyon lamang mga hayop na walang kapintasan? Hindi mahalaga para sa Dios kung marami tayong mga kapintasan. Hindi mahalaga kung iniisip natin na hindi maganda ang ating mga hitsura o kung hindi maayos ang ating kalusugan. Ang nais iparating ni Pablo ay ihandog natin nang buong puso sa Dios ang ating mga sarili bilang pagtugon sa Kanyang kaawaan sa atin. Na ang paghahandog nating ito ng ating mga sarili ay pagpapakita ng ating pagsamba sa ating Dios. Marami man ang higit na maganda o higit na mahusay kaysa sa atin, ang mahalaga para sa Dios ay buong-buo nating inihahandog ang ating mga sarli sa Kanya dahil sa ating pagnanais na sambahin Siya. Tatanggapin Niya tayo kung ano tayo. Tunay na ang bawat isa sa atin ay lubos na pinahahalagahan at minamahal ng ating Dios tulad ng lubos Niyang pagpapahalaga sa Kanyang Anak! Sa pamamagitan ng pag-aalay mismo ng Panginoong Jesu-Cristo ng Kanyang sarili bilang handog sa Dios nang mamatay Siya sa krus, lubos na nalugod ang Dios Ama. Kaya naman, kung sinampalatayanan natin ang ginawang paghahandog ni Cristo sa Kanyang buhay para sa atin, nararapat din nating ialay sa Kanya bilang pagsamba ang ating sarili-ang ating katawan, puso, kaluluwa at pag-iisip. Bilang mga tunay na sumasampalataya sa Panginoong Jesus, tatanggpain ng Dios ang pag-aalay nating ito sa Kanya. Bagamat hindi tayo perpekto, dahil sa dugo ni Cristo ay itinuturing Niya na tayong banal na handog. Ang pagbibigay ng buong-buong sarili natin sa Dios bilang handog na buhay, banal at kalugod-lugod sa Dios ay tunay na pagpapakita ng ating lubos na pagsamba sa Kanya. Hindi man tayo perpekto ay tatanggapin tayo ng Dios dahil nilinis na tayo ng dugo ng Panginoong Jesu-Cristo na dumaloy doon sa krus ng kalbaryo. Babaguhin Niya tayo tulad ng una Niyang plano kina Adan at Eva. Si Jesus ang itinuturing na ikalawa o bagong Adan. Siya ang unang nabuhay mula sa mga patay. Dahil sa Kanya ay naligtas tayo at nagkaroon ng bagong buhay. Tinatanggap Niya ang ating mga handog, ang ating katawan at pinapaging matuwid at ginawa Niyang buo dahil sa Kanyang katawan na nabayubay doon sa krus. Sumasampalataya ako sa Dios Amang makapangyarihan sa lahat na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Jesu-Cristo, ang nag-iisang Anak ng Dios, Panginoon nating lahat, nagkatawang tao sa pamamagitan ng Dios Espiritu Santo, ipinanganak ng birheng si Maria, pinagpakasakit ni Pontio Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing; nanaog sa karoroonan ng mga patay. Nang ikatlong araw ay nabuhay na muli; umakyat sa langit, at naluklok sa kanan ng Dios .Ama; doon magmumula, paririto at huhukom sa nabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, sa Banal na simbahang unibersal, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan at sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Siya Nawa. (Panalangin ng mga marino) O mapagpalang Diyos, salamat po sa Inyong kaawaan at pagmamahal. Nagpapasalamat po kami dahil ninanais Ninyo na ialay namin ang buo naming sarili sa Inyo at dahil ipinangako po Ninyo na kami po ay babaguhin Ninyo upang maging ayon sa kalooban Ninyo. Ingatan Nyo po nawa ang aming mga mahal sa buhay na hindi namin kasama sa ngayon. Tulungan Nyo rin po kami na mamuhay nang ayon sa nais Ninyo at huwag nawa kaming mahulog sa tukso. Ito po ang aming dalangin, sa Pangalan ni Jesus, Amen. Ama namin, sumasalangit Ka Sambahin ang ngalan Mo Mapasaamin ang kaharian Mo Sundin ang loob Mo Dito sa lupa, para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin Mo ang aming mga sala, Para ng pagpapatawad namin Sa mga nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya Mo kami sa lahat ng masama. Sapagkat Iyo ang kaharian, at kapangyarihan, At ang kadakilaan, magpakailanman. Amen. Ang kagandahang-loob ng Panginoong Jesu-Cristo, ang pag-ibig ng Dios Ama at ang pakikipisan ng Banal na Espiritu Santo ay suma-amin nawa ngayon at magpakailanman. Amen.

22.01.2022 Tagalog Sunday Service ( 13 Setyembre 2020) Luwalhati sa Dios Ama, Dios Anak at Dios Espiritu Santo: mula pa noong pasimula, ganoon din ngayon at magpakailanman.... Amen. O aming Dios, Inyo pong tinawag ang mga Mananampalataya upang maging Inyong mga saksi, at dahil kay Cristo ay nanumbalik ang aming relasyon sa Inyo: tulungan Nyo po kami na ipahayag ang mabuting baita tungkol sa Inyong pagmamahal, upang ang lahat ng makarinig nito ay lumapit sa Inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo, na nabubuhay at naghahari kasama Ninyo at ng Banal na Espiritu, Na iisang Dios, ngayon at sa magpasawalang hanggan. Amen. Mateo 18:15-20 Lumapit si Pedro kay Jesus at nagtanong, Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid na laging nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba? Sumagot si Jesus, Hindi lang pitong beses kundi 77 beses. Sapagkat ang paghahari ng Dios ay maitutulad sa kwentong ito: May isang hari na nagpatawag sa mga alipin niya para singilin sa kanilang mga utang. Nang simulan na niya ang paniningil, dinala sa kanya ang isang alipin na nagkautang sa kanya ng milyon-milyon. Dahil hindi siya makabayad, iniutos ng hari na ipagbili siya bilang alipin, pati ang kanyang asawat mga anak, at lahat ng ari-arian niya, para mabayaran ang kanyang utang. Nagmamakaawang lumuhod ang aliping iyon sa hari, Bigyan nyo pa po ako ng panahon, at babayaran kong lahat ang utang ko. Naawa sa kanya ang hari, kaya pinatawad na lang siya sa kanyang utang at pinauwi.Pagkaalis ng aliping iyon, nakasalubong niya ang isang kapwa alipin na nagkakautang sa kanya ng kaunting halaga. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay sabi, Bayaran mo ang utang mo sa akin. Lumuhod ang kapwa niya alipin at nagmakaawa, Bigyan mo pa ako ng panahon, at babayaran kita. Pero hindi siya pumayag. Sa halip, ipinakulong niya ang kapwa niya alipin hanggang sa makabayad ito. Nang makita ito ng iba pang utusan, sumama ang loob nila, kaya pumunta sila sa hari at isinumbong ang lahat ng nangyari. Ipinatawag ng hari ang alipin at sinabi sa kanya, Napakasama mong utusan! Pinatawad kita sa utang mo dahil nagmakaawa ka sa akin. Hindi ba dapat naawa ka rin sa kapwa mo alipin gaya ng pagkaawa ko sa iyo? Sa galit ng hari, ipinakulong niya ang alipin hanggang sa mabayaran nito ang lahat ng utang niya. At pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kanila, Ganyan din ang gagawin ng inyong Amang nasa langit kung hindi kayo magpapatawad nang buong puso sa inyong kapwa. Nabasa natin sa mga talatang ito na lumapit si Pedro kay Jesus upang magtanong kung ilang beses niya dapat patawarin ang kapatid na laging nagkakasala sa kanya. Tinanong niya kung 7 beses niya dapat itong patawarin. Sumagot naman si Jesus sa kanya, Hindi lang pitong beses kundi 77 beses. Pagkatapos sagutin ni Jesus ang tanong ni Pedro, nagkuwento Siya ng isang talinghaga tungkol sa paghahari ng Dios. Sinabi ni Jesus na ang paghahari ng Dios ay tulad ng isang hari na ipinatawag ang kanyang mga alipin upang bayaran na ng mga ito ang mga utang nila sa kanya. Ayon sa kuwento, pinatawad ng hari ang lalaki na may napalaking utang sa kanya subalit ang aliping ito ay hindi naman pinatawad ang kapwa niya alipin na may utang sa kanya. Nakakabahala ang talinghangang ito dahil karamihan sa atin ay nahihirapang magpatawad at dahil ang pagpapatawad na iginagawad sa atin ay nakadepende sa iginagawad nating kapatawaran sa iba. Sinabi ni Jesus, Ganyan din ang gagawin ng inyong Amang nasa langit kung hindi kayo magpapatawad nang buong puso sa inyong kapwa. Nais ng Dios na patawarin natin ang ating kapwa. Minamahal tayo ng Dios at lagi Siyang handang magpatawad. Tunay na lubos Niya tayong pinapatawad kung tayo ay lalapit sa Kanya at ihahayag ang ating mga kasalanan sa Kanya. Mahal tayo ng Dios at nais Niyang tanggapin natin ang kapatawarang iginagawad Niya. Kung mahirap magpatawad ng isang beses sa taong paulit-paulit na nagkakasala laban sa atin, lalo pa kaya ang magpatawad ng 77 beses. Nag-aalala tayo dahil mahirap itong gawin. Nag-aalala rin tayo dahil marahil ay hindi sasagutin ng Dios ang ating mga panalangin kung hindi natin magawang patawarin ang ating kapwa. Kahit nga gaano kahirap magpatawad, magagawa natin ito kung hihingi tayo ng tulong sa Panginoon upang baguhin ang ating puso. Alalahanin natin na sa kabila ng mabibigat nating kasalanan ay pinatawad pa rin tayo ng Dios. Kaya naman, maging bukal nawa sa ating puso na patawarin ang sinumang nagkasala sa atin. Gaya nga ng itinuro ni Jesus kung paano manalangin, Patawarin Nyo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkasala sa amin. Tunay ngang dakila ang pag-ibig sa atin ng Dios na lubos na nagpapatawad sa atin sa kabila ng mga kasalanan natin. Kaya ito ang dapat nating pakaisipan kapag may mga nagkakasala sa atin. Ang kasalanan ay hindi nga mabuti at natural lamang na magalit tayo kapag may nagkasala sa atin. Gayon pa man, hindi tayo dapat manatiling galit sa mga taong nagkasala sa atin at laging alalahanin ang pagpapatawad ng Dios sa atin at Siya lamang ang may karapatan na magbigay ng hatol sa bawat isa. Huwag nga nating isipin na may karapatan tayong humatol sa ating kapwa. Magpatawad tayo ng buong-buo. Alalahanin natin na ang pamamaraan ng Dios ay higit na mabuti kaysa sa ating mga pamamaraan kaya dapat lang natin Siyang sundin. Nagmamalasakit Siya sa atin at nais Niya na magmamasakit din tayo sa ating kapwa. Lagi nawa tayong handang magpatawad sa ating kapwa. Dinggin natin ang sinabi ng Panginoong Jesus na magpatawad ng 77 beses o higit pa dahil Siya mismo ay laging nagpapatawad sa atin. Salamat sa Panginoon dahil kung tunay na humingi tayo ng tawad sa lahat ng ating mga kasalanan at pinagsisihan at tinalikuran na natin ang mga ito, tayo ay tunay Niyang pinapatawad. Ang kaligtasang natamasa natin dahil sa ating pananampalataya sa Panginoong Jesus ay kailanmay hindi na mawawala. Nakatitiyak tayo na hindi na ito maaagaw mula sa atin. Napakabuti nga ng ating Dios dahil mapagpatawad Siya. At sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan, magagawa rin nating patawarin ang ating kapwa. Matutunan rin nawa nating mahalin sila dahil lubos na pagmamahal ang natanggap natin mula sa Panginoon. Sumasampalataya ako sa Dios Amang makapangyarihan sa lahat na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Jesu-Cristo, ang nag-iisang Anak ng Dios, Panginoon nating lahat, nagkatawang tao sa pamamagitan ng Dios Espiritu Santo, ipinanganak ng birheng si Maria, pinagpakasakit ni Pontio Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing; nanaog sa karoroonan ng mga patay. Nang ikatlong araw ay nabuhay na muli; umakyat sa langit, at naluklok sa kanan ng Dios .Ama; doon magmumula, paririto at huhukom sa nabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, sa Banal na simbahang unibersal, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan at sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Siya Nawa. (Panalangin ng mga marino) O aming mapagpala at mahabaging Dios, nahihirapan po ang bawat isa sa amin na gawin kung ano ang tama lalo na ang pagpapatawad sa mga taong nanakit sa amin. Kung paanong pinatawad Nyo po kami sa pamamagitan ng banal na dugo ng Inyong Anak na si Jesus, tulungan Nyo rin nawa kami na patawarin ang mga taong nagkasala sa amin. Gabayan Nyo po kami at pangunahan upang hindi po kami mahulog sa pagkakasala. Patuloy Nyo rin po kaming protektahan mula sa anumang kapahamakan. Ito po ang aming dalangin, sa Pangalan ni Jesus, Amen. Ama namin, sumasalangit Ka Sambahin ang ngalan Mo Mapasaamin ang kaharian Mo Sundin ang loob Mo Dito sa lupa, para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin Mo ang aming mga sala, Para ng pagpapatawad namin Sa mga nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya Mo kami sa lahat ng masama. Sapagkat Iyo ang kaharian, at kapangyarihan, At ang kadakilaan, magpakailanman. Amen. Ang kagandahang-loob ng Panginoong Jesu-Cristo, ang pag-ibig ng Dios Ama at ang pakikipisan ng Banal na Espiritu Santo ay suma-amin nawa ngayon at magpakailanman. Amen.

21.01.2022 Rescue comes to those who call on Jesus for help.



21.01.2022 Lord, please help us remember You own it all as we commit to giving You our all, willingly and selflessly. Amen.

20.01.2022 Lord, thank You for teaching me not to discriminate among people. Help me to see people through Your eyes so that I may honor You. Amen.

19.01.2022 Dear God, You know whats on my mind today. Help me to experience the peace that comes from sharing my concerns with You. Amen.

18.01.2022 Lord God, I want to build my house on a rock. Help me to know that my solid foundation rests in You, with Your Word giving me wisdom and strength. Amen.

18.01.2022 Gods works are marvellous, and so is He.



18.01.2022 Lord, You have shown tender care for me over the course of my life. Youve been present with me in difficult seasons. Help me to always remember Your love. Amen.

18.01.2022 Father, thank You for forgiving me and allowing me to experience a restored relationship with You. Help me to seek reconciliation in my broken relationships and deeper connections with others close to me even as I await the healing that will come in Your presence. Amen.

17.01.2022 Loving Creator of the universe, thank You for being mindful of us. Amen.

16.01.2022 Father, I long to know You more. Only You can satisfy my deepest desires. Amen.

15.01.2022 God, help me to use my time well and to fill my mind with what is pure. Amen.

14.01.2022 Thank You, Father, for providing salvation through Your Son, Jesus. I love You. Amen.

13.01.2022 Lord, help me to turn in the midst of my busyness and lifes distractions. Thank You for always being here, ready to catch me. Amen.

11.01.2022 Lord, help me see what You’ve given me, even if it doesn’t seem like much by the world’s standards. Help me to give generously. Amen.

11.01.2022 Father, I thank You for the privilege of serving You. Help me to spend regular time with You in order to grow in my knowledge of You. Amen.

11.01.2022 Lord, thank You for the assurance that we’re always under Your watchful care. Amen.

11.01.2022 Sunday Service (30 August 2020) Glory to God; Father, Son and Holy Spirit: ... as in the beginning, so now, and for ever. Amen. O God, whose Son has shown the way of the cross to be the way of life: transform and renew our minds that we may not be conformed to this world but may offer ourselves wholly to you as a living sacrifice through Jesus Christ our Saviour; who lives and reigns with you and the Holy Spirit, one God, now and for ever. Amen. Matthew 16:21-28 From that time on Jesus began to explain to his disciples that he must go to Jerusalem and suffer many things at the hands of the elders, chief priests and teachers of the law, and that he must be killed and on the third day be raised to life. Peter took him aside and began to rebuke him. "Never, Lord!" he said. "This shall never happen to you!" Jesus turned and said to Peter, "Get behind me, Satan! You are a stumbling block to me; you do not have in mind the things of God, but the things of men." Then Jesus said to his disciples, "If anyone would come after me, he must deny himself and take up his cross and follow me. For whoever wants to save his life will lose it, but whoever loses his life for me will find it. I must go to Jerusalem and suffer many things. I must be killed and on the third day be raised to life. We can understand where Peter is at. Many of us feel the same way today as Peter felt then. It makes no sense to him that the Messiah, the Son of The Living God, must suffer and die. It makes no sense to him that the King over Israel, the one promised of old to arise from the line of David and to rule over Davids kingdom, must suffer many things at the hands of the very people who should welcome him with open arms. Peter simply doesnt hear what Jesus is saying, and what he does hear, he doesnt want to accept. And Jesus condemns that lack of hearing, that lack of accepting, that lack of understanding by saying to Peter: "Get behind me, Satan! You are a stumbling block to me; you do not have in mind the things of God, but the things of men." And then by telling all the disciples, who have been listening to this exchange between Peter and Jesus: "If anyone would come after me, he must deny himself and take up his cross and follow me. For whoever wants to save his life will lose it, but whoever loses his life for me will find it...". We see it today in some churches, this failure to hear what the Messiah is all about, and what the Messiah, the Christ expects, indeed demands, of his followers. We see it where forgiveness is proclaimed without requiring repentance, where baptism is practiced without requiring that one be a part of the body of Christ, where communion is offered without the need for confession and reconciliation and where wealth and health is promised if you just believe rather than the service and sacrifice, the humility and the self-giving that is the sign of our calling, and indeed the sign of sainthood. From the moment that Peter and the other disciples recognized Jesus as the Messiah, from that time Jesus began to explain to them that he must suffer and that he must be killed and on the third day rise. Gods ways are not our ways. The emblem our faith is not a crown but a cross. And the field of battle upon which our Lord wins his victory is not the sand of Judah and of Palestine but the hearts of men and women like you and I. And what he fights against and what we fight against with him, is not an enemy of flesh and blood, but rather the principalities and powers of this world, the worlds way of doing things - that way which began when the serpent suggested to Eve that she could become like God if she simply reached out her hand and took the fruit that God said she should not eat. Evil is not overcome by evil. It is not only about what you are being asked to give up, it is not only about dying to yourself, to your idea of what is good and what it is not, it is not only about taking up my cross and doing my will instead of indulging your own. It is also about gaining the very thing you and indeed everyone else needs the most: a life worth living, a life that gives life, a life that is joyful and unafraid, a life which death cannot destroy, a life in which the kingdom of God draws near and is lived and shared with all. Praise be to Christ Jesus our Lord who died so we might live and who lives that we never die. Amen. I believe in God, the Father almighty, creator of heaven and earth. I believe in Jesus Christ, Gods only Son, our Lord, who was conceived by the Holy Spirit, born of the virgin Mary, suffered under Pontius Pilate, was crucified, died, and was buried; he descended to the dead. on the third day he rose from the dead; he ascended into heaven, and is seated at the right hand of the Father; from there he will come to judge the living and the dead. I believe in the Holy Spirit, the holy catholic Church, the communion of saints, the forgiveness of sins, the resurrection of the body, and the life everlasting. Amen. (Seafarers Prayer) God of our days and our nights, when we are with you, when we remember you and speak to you, our hearts are often filled with the desire to yield everything to you but in our sinfulness we are often afraid to let go. Forgive us this Lord and help us to remember you each day, and especially to remember you when we are afraid, and when we are angry, and when we are anxious to remember you and to give you thanks for the life you have given us, and for the life that you promise to those who deny themselves and take their crosses and follow you. Help us and all seafarers to keep on the right course always, and to reach the safe port of heaven. Amen Our Father in heaven, hallowed be your name, your kingdom come, your will be done, on earth as in heaven. Give us today our daily bread. Forgive us our sins as we forgive those who sin against us. Save us from the time of trial and deliver us from evil. For the kingdom, the power, and the glory are yours now and for ever. Amen. The Grace of the Lord Jesus Christ, and the love of God, and the fellowship of the Holy Spirit, be with us all evermore. Amen.

10.01.2022 Lord, sometimes we must simply pray: I believe. Help my unbelief. Help us trust You by doing what You have given us to do today. Amen.

09.01.2022 LordJesus Christ, I am humbled and amazed that You would com and live in me. Help me to share this amazing gift with those I meet today. Amen.

09.01.2022 Father in heaven, thank You for calling us by name and surrounding us with Your love, today and forever. Amen.

08.01.2022 Loving Lord, please help me to trust You to take care of me today, tomorrow, and forever! Amen.

07.01.2022 God, sometimes my suffering seems too much to bear. Help me to trust You and continue to walk with You on this journey. Amen.

06.01.2022 Father, help me live in such a way that Your name will be honoured where I go. Amen.

06.01.2022 Dear God, thank You for the ongoing support available through the Holy Spirit. Help me to rely on Your Spirit when I need help. Amen.

06.01.2022 Make of me, Father, a willing servant in times of weakness and times of strength. Amen.

06.01.2022 Lord, draw us close to You today, so that we may also be closer to each other. Protect Your churchs unity. Give us understanding where there is distrust. Heal us where we are divided. Amen.

06.01.2022 God, thank You for leaving us Your inspired Word. Help us to read it carefully, interpret it correctly, and apply it enthusiastically in our lives. Amen.

04.01.2022 Lord, thank You for reminding us You hear every prayer. Amen

03.01.2022 Remind us always, Lord, to love children as You love them, even as we come to You with the trusting faith of a small child. Amen.

03.01.2022 Dear Lord, thank You for loving us, despite our sin, and for making a way for us to be with You forever!

03.01.2022 Tagalog Sunday Service ( 30 Agosto 2020) Luwalhati sa Dios Ama, Dios Anak at Dios Espiritu Santo: mula pa noong pasimula, ganoon din ngayon at magpakailanman. A...men. O aming Dios, ang Inyo pong Anak na si Jesus ay namatay sa krus upang magkaroon kami ng bagong buhay: Patuloy po Ninyong baguhin ang aming mga pag-iisip upang hindi kami maki-ayon sa takbo ng mundong ito, kundi maibigay namin ang aming sarili bilang handog na buhay sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo, na nabubuhay at naghahari kasama Ninyo at ng Banal na Espiritu, Na iisang Dios, ngayon at sa magpasawalang hanggan. Amen. Mateo 16:21-28 Mula noon, ipinaalam na ni Jesus sa mga tagasunod niya na dapat siyang pumunta sa Jerusalem at dumanas ng maraming paghihirap sa kamay ng mga pinuno ng mga Judio, ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. At siyay ipapapatay nila, pero sa ikatlong araw ay muli siyang mabubuhay. Nang marinig ito ni Pedro, dinala niya si Jesus sa isang tabi at sinabihan, Panginoon, huwag po sanang ipahintulot ng Dios. Hindi ito dapat mangyari sa inyo. Hinarap ni Jesus si Pedro at sinabi, Lumayo ka sa akin, Satanas! Pinipigilan mo akong gawin ang kalooban ng Dios, dahil hindi ayon sa kalooban ng Dios ang iniisip mo kundi ayon sa kalooban ng tao! Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, Ang sinumang gustong sumunod sa akin ay hindi dapat inuuna ang sarili. At dapat handa siyang humarap kahit sa kamatayan alang-alang sa pagsunod niya sa akin. Sapagkat ang taong naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nagnanais mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ano ba ang mapapala ng tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, pero mapapahamak naman ang kanyang buhay? May maibabayad ba siya para mabawi niya ang kanyang buhay? Sapagkat ako na Anak ng Tao ay darating kasama ang mga anghel, at taglay ang kapangyarihan ng Ama. Sa araw na iyon, gagantimpalaan ko ang bawat isa ayon sa kanyang mga gawa. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hanggat hindi nila nakikita ang Anak ng Tao na dumarating bilang Hari. Kailangang magtungo ni Jesus sa Jerusalem at magdanas ng matinding paghihirap. Kailangan Niyang mamatay at sa ikatlong araw ay mabuhay na muli. Nang ipaalam ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod ang mangyayari sa Kanya, lubos na nangamba si Pedro. Maaaring ganoon din ang maramdaman ng marami sa atin kaya nauunawaan natin ang naramdamang iyon ni Pedro. Hindi marahil lubos maisip ni Pedro kung bakit ang Mesiyas na si Jesus na Anak ng buhay na Dios ay kailangang dumanas ng mga paghihirap at mamatay. Hindi niya maunawaan kung bakit ang Hari ng Israel na ipinangakong magmumula sa lahi ni Haring David ay kailangang magdusa sa kamay mismo ng mga taong dapat na tumanggap sa Kanya. Hindi matanggap ni Pedro ang sinabing iyon ni Jesus tungkol sa masaklap na mangyayari sa Kanya. Dahil sa sinabi ni Pedro na huwag sana itong ipahintulot ng Dios na mangyari kay Jesus, sinabihan siya ni Jesus, Lumayo ka sa akin, Satanas! Pinipigilan mo akong gawin ang kalooban ng Dios, dahil hindi ayon sa kalooban ng Dios ang iniisip mo kundi ayon sa kalooban ng tao! Sinabi rin ni Jesus sa mga tagasunod Niya, Ang sinumang gustong sumunod sa akin ay hindi dapat inuuna ang sarili. At dapat handa siyang humarap kahit sa kamatayan alang-alang sa pagsunod niya sa akin. Sapagkat ang taong naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito. Makikita natin ito sa mga kalipunan ng mga mananampalataya sa ngayon. Hindi nila lubusang maunawaan kung ano ba talaga ang layunin ng pagparito ng Mesiyas at ang Kanyang inaasahan na gawin ng mga tunay na mananampalataya. Kahit na ibinabahagi nila ang tungkol sa pagpapatawad ng Dios, hindi nila ipinapangaral na kailangang pagsisihan ng mga tao ang kanilang mga kasalanan at talikuran na ang mga ito. May mga kalipunan din kung saan binabautismuhan agad ang mga tao na hindi pa sumampalataya kay Jesus. Binabaustismuhan nila ang mga ito kahit na hindi pa naman talaga nauunawaan ng mg taong iyon na ang baustismo ay hindi makakapagligtas at ito ay maaari lamang gawin ng mga tunay na sumasampalataya sa Panginoong Jesus bilang pagpapahayag na sila ay tunay nang mananampalataya. Mayroon din na hinahayaan nilang makisalo sa gawain ng Banal na Hapunan ang mga hindi pa mananampalataya. Marami din ang nangangaral na sa pamamagitan ng pagsanib sa kanilang grupo ay makakamit nila ang masaganang buhay at mabuting kalusugan.Hindi nila ipinapangaral ang tunay na Mabuting Balita tungkol kay Jesus at sa kaakibat nitong mga pagsasakripisyo bilang mga tagasunod Niya. Na ang mga tunay na mananampalataya ay kailangang magpakumbaba sa harapan ng Panginoong Jesus at handa nilang ialay ang kanilang sarili para sa paglilingkod at pagsunod kay Jesus. Bilang mga tunay na sumasampalataya kay Jesus, kailangang makita sa atin na marunong tayong magsakripisyo alang alang kay Cristo. Nang kilalanin ni Pedro at ng mga tagasunod ni Jesus na Siya talaga ang Mesiyas, sinimulan na Niyang ipaalam sa kanila ang pagdurusang kailangan Niyang danasin at ang pagpatay sa Kanya at muling pagkabuhay pagkatapos ng ikatlong araw. Ang pamamaraan ng Dios ay ibang-iba sa pamamaraan natin. Ang simbolo ng ating pananampalataya ay hindi korona kundi krus. Ibig sabihin, bilang mga mananampalataya, bagamat pinagpapala tayo ng Dios, dapat tayong maging handa sa mga paghihirap at pagsasakripisyo na kaakibat ng ating pagsampalataya kay Jesus. Dahil nagtagumpay si Jesus doon sa krus, dapat na hayaan din natin Siyang magtagumpay sa ating mga puso sa pamamagitan ng pagpapasakop sa Kanya. At ano man ang nilalabanan Niya ay kailangan din nating kalabanin. At ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi masasamang espiritu sa himpapawid mga pinuno, may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito. Kaliangan nating kalabanin ang ahas na tumukso kay Eva na maaari nitong maging kapantay ang Dios kung kakainin nito ang bunga ng puno na ipinagbabawal ng Dios na kainin nila. Sa pamamagitan ng tulong ng Dios, kalabanin natin ang kasamaan at kailangang mapagtagumpayan natin ito. Bilang mga tunay na mananampalataya, hindi natin dapat inuuna ang ating mga sarili at dapat handa tayong humarap kahit sa kamatayan alang-alang sa pagsunod sa Panginoong Jesus. Dapat din nating maisapamuhay ang Kanyang mga Salita upang sa gayon, magiging mabuti tayong halimbawa sa ibang tao. Sa pamamagitan ng pagsasabuhay natin sa Salita ng Dios, mahihikayat natin ang mga tao na sumampalataya rin sa Panginoong Jesus. Maipakita nawa natin sa ating pamumuhay ang buhay na ganap, walang pangamba at puno ng kagalakan sa kabila ng mga dinaranas nating paghihirap. Ang lahat nga ng kapurihan ay ating ipagkaloob sa Panginoong Jesu-Cristo na namatay sa krus upang bigyan tayo ng walang hanggang buhay. Amen. Sumasampalataya ako sa Dios Amang makapangyarihan sa lahat na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Jesu-Cristo, ang nag-iisang Anak ng Dios, Panginoon nating lahat, nagkatawang tao sa pamamagitan ng Dios Espiritu Santo, ipinanganak ng birheng si Maria, pinagpakasakit ni Pontio Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing; nanaog sa karoroonan ng mga patay. Nang ikatlong araw ay nabuhay na muli; umakyat sa langit, at naluklok sa kanan ng Dios .Ama; doon magmumula, paririto at huhukom sa nabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, sa Banal na simbahang unibersal, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan at sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Siya Nawa. (Panalangin ng mga marino) O Panginoon na siyang may likha ng araw at gabi, kapag Kayoy kasama namin at naalala na kausapin Kayo ay napupuno po aming puso ng pagnanais na manangan sa Inyo. Subalit may mga pagakakataon na mas pinapairal namin ang aming makasariling puso at hinahayaang magksala laban sa Inyo. Patawarin Nyo po kami at tulungan Nyo kami na alalahanin Kayo sa bawat araw. Tulungan Nyo po kami na patuloy na alalahanin Kayo upang mapawi ang aming mga takot, pangamba at galit. Naway pasalamatan namin Kayo dahil sa buhay na walang hanggan na ipinagkaloob Nyo sa aming mga sumampalataya sa ginawa ng Panginoong Jesu-Cristo sa krus. Tulungan Nyo rin po kami na huwag unahin ang sarili kundi maging handa sa pagharap sa kamatayan alang-alang sa pagsunod sa Inyo. Ingatan Nyo rin nawa kami at tulungang mamuhay nang ayon sa nais Ninyo at huwag nawa kaming mahulog sa tukso. Ito po ang aming dalangin, sa Pangalan ni Jesus, Amen. Ama namin, sumasalangit Ka Sambahin ang ngalan Mo Mapasaamin ang kaharian Mo Sundin ang loob Mo Dito sa lupa, para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin Mo ang aming mga sala, Para ng pagpapatawad namin Sa mga nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya Mo kami sa lahat ng masama. Sapagkat Iyo ang kaharian, at kapangyarihan, At ang kadakilaan, magpakailanman. Amen. Ang kagandahang-loob ng Panginoong Jesu-Cristo, ang pag-ibig ng Dios Ama at ang pakikipisan ng Banal na Espiritu Santo ay suma-amin nawa ngayon at magpakailanman. Amen.

02.01.2022 We can model Christ’s love by doing what we can to serve others.

02.01.2022 Tagalog Sunday Service ( 6 Setyembre 2020) Luwalhati sa Dios Ama, Dios Anak at Dios Espiritu Santo: mula pa noong pasimula, ganoon din ngayon at magpakailanman.... Amen. Pangunahan Nyo po kami, Panginoon, at laging tulungan, upang sa lahat ng aming mga gawain ay masimulan, magpatuloy at matapos kasama Kayo at sa gayon ay maluwalhati namin Kayo at sa kahuli-hulihay matamasa namin ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo, na nabubuhay at naghahari kasama Ninyo at ng Banal na Espiritu, Na iisang Dios, ngayon at sa magpasawalang hanggan. Amen. Mateo 18:15-20 Kung magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Pagsabihan mo siya tungkol sa ginawa niya. Kung makikinig siya sa iyo, magkakaayos kayong muli at mapapanumbalik mo siya sa Dios. Pero kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka ng isa o dalawa pang kapatid sa pananampalataya para ang lahat ng pag-uusapan ninyo ay mapapatotohanan ng dalawa o tatlong saksi, ayon sa Kasulatan. Kung ayaw niyang makinig sa kanila, ipaalam ito sa iglesya, at kung pati sa iglesya ay ayaw niyang makinig, ituring ninyo siya bilang isang taong hindi kumikilala sa Dios o isang maniningil ng buwis. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, anuman ang ipagbawal ninyo sa lupa ay ipagbabawal din sa langit, at anuman ang ipahintulot ninyo sa lupa ay ipapahintulot din sa langit. Sinasabi ko rin sa inyo na kung magkasundo ang dalawa sa inyo rito sa mundo na ipanalangin ang anumang bagay, ipagkakaloob ito ng aking Amang nasa langit. Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, kasama nila ako. Makikita natin sa ating mga binasang talata na nagbigay ang Panginoong Jesus ng pamantayan kung ano ang dapat gawin kung may nagawang pagkakasala sa atin ang ating kapwa mananampalataya. Ito ay ang dapat gawin ng mga magkakapatid sa pananampalataya sa loob ng kanilang mga iglesya na nagkakaroon ng hindi pagkakasunduan. Ang unang prinsipyo ay dapat puntahan ng taong nagawan ng kasalanan ang kanyang kapwa mananampalataya na nagkasala sa kanya at kausapin ito. Ang nagawan ng kasalanan ang siyang lalapit sa taong nagkasala sa kanya upang mapanumbalik ito sa Panginoon at ang kanilang magandang samahan. Kaya kung may nakasakit sa iyong damdamin, lapitan mo ang taong nakasakit sa iyo at subukang ayusin ang inyong samahan. Kadalasan, hindi natin kinokompronta ang mga taong nakasakit o nagkasala sa atin. Mahirap para sa atin na gawin ito kaya hinahayaan na lang natin ito. Pero ayon sa mga talatang binasa natin, mainam na ikaw na mismo ang lumapit sa taong nagkasala sa iyo upang maayos ang inyong hindi pinagkakasunduan. Ang ikalawang prinsipyo na ibinigay ni Jesus ay dapat gawing pribado ang pakikipgakasundo sa taong nagkasala sa iyo. Ang ikatlong prinsipyo naman na sinabi ni Jesus sa ganitong mga sitwasyon ay, Pero kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka ng isa o dalawa pang kapatid sa pananampalataya para ang lahat ng pag-uusapan ninyo ay mapapatotohanan ng dalawa o tatlong saksi, ayon sa Kasulatan. Iyon nga ang dapat nating gawin sakaling may nakagawa sa atin ng mali. Kung nagkasala nga sa atin ang ating kapatid sa pananampalataya, pagsabihan natin sila pero dapat ay gawin natin itong pribado. At kung hindi naman siya makikinig sa atin, kailangan nating magsama ng isa o dalawa pang kapatid sa pananamplataya para sa pag-aayos sa inyong sitwasyon. Ngunit kung hindi pa rin siya makikinig sa kabila nito, maaari na itong ipaalam sa iglesya. At kung pati sa iglesya ay ayaw niyang makinig, ituring ninyo siya bilang isang taong hindi kumikilala sa Dios o isang maniningil ng buwis. Kung tutuusin, simple lamang ang panuntunan ng Panginoong Jesus. At kahit na hindi man kayo nagkaayos sa una at ikalawang hakbang, kung saan ikaw na mismo ang lalapit sa taong nagkasala sa iyo sa pribado, maaari pa ring maging tagumpay ang proseso. Sa pamamagitan nito, maaaring manumbalik siya sa Dios at maging maayos muli ang inyong samahan. Kung susundin nga natin ang mga prinsipyong ibinigay ng Panginoong Jesus sa atin, magiging daan ito upang magsisi ang taong nagkasala sa atin. Tunay na makabubuti para sa ating mga mananampalataya na huwag nang patagalin pa ang pagkasira ng ating samahan. Huwag nating hayaan na magpatuloy sa pagkakasala ang ating kapwa mananampalataya sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila nito upang pagsisihan nila ang kanilang kasalanan. Mabuti na magpakumbaba ang bawat isa at alang-alang sa Panginoon ay magpatawaran tayo. Hindi talaga maiiwasan ang pag-aalitan dahil magkakaiba tayong lahat pero ang pag-ibig nawa natin sa bawat isa ang magbuklod sa atin. Makabubuti para sa ating lahat, ang nagawan ng kasalanan at ang nagkasala kung susundin natin ang sinasabi sa atin ng ating Panginoong Jesus. Sa huli sinabi ni Jesus, Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, kasama nila ako. Kung kasama natin si Jesus, dapat na maging maayos ang ating pakikitungo sa ating kapwa mananampalataya kahit ibang-iba sila sa atin. Naway maghari ang pag-ibig ni Cristo sa ating mga puso at ipadama ito sa bawat isa. Iwasan natin na husgahan ang ating kapwa at iwasan ang magkaroon ng mga alitan o hindi pagkakasunduan. Hindi man natin palaging maaayos ang ating samahan, patuloy pa rin nating subukan na sumagana ang pag-ibig at kapayapaan sa loob ng ating mga iglesya. Pairalin natin ang pagmamahal sa kabila ng mga nagawa sa ating kasalanan ng ating kapwa mananampalataya. Sumasampalataya ako sa Dios Amang makapangyarihan sa lahat na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Jesu-Cristo, ang nag-iisang Anak ng Dios, Panginoon nating lahat, nagkatawang tao sa pamamagitan ng Dios Espiritu Santo, ipinanganak ng birheng si Maria, pinagpakasakit ni Pontio Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing; nanaog sa karoroonan ng mga patay. Nang ikatlong araw ay nabuhay na muli; umakyat sa langit, at naluklok sa kanan ng Dios .Ama; doon magmumula, paririto at huhukom sa nabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, sa Banal na simbahang unibersal, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan at sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Siya Nawa. (Panalangin ng mga marino) O mahal naming Dios, inaamin ko po na ako ay makasalanan. Nagtitiwala at sumasampalataya po ako na namatay si Jesus upang akoy iligtas sa kaparusahan sa aking mga kasalanan. Naniniwala rin po ako na Siya ay nabuhay na muli. Pinagsisihan ko po ang lahat ng aking mga kasalanan. At sa pamamagitan ng pananampalataya ay tinatanggap ko po si Jesus bilang aking Panginoon at Tagapagligtas. Nagtitiwala po ako sa Inyong pangako na akoy Inyong ililgtas dahil Kayo ay Dios at kailanmay hindi Kayo magsisinungaling. Naniniwala po ako na si Jesus na po ang aking Panginoon at Tagapagligtas at dahil po sa Kanyang mahal na dugo ay pinatawad Nyo na po ang aking mga kasalanan. Salamat po Panginoon sa pagliligtas Nyo sa akin. Ito po ang aking dalangin, sa Pangalan ni Jesus, Amen. Ama namin, sumasalangit Ka Sambahin ang ngalan Mo Mapasaamin ang kaharian Mo Sundin ang loob Mo Dito sa lupa, para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin Mo ang aming mga sala, Para ng pagpapatawad namin Sa mga nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, At iadya Mo kami sa lahat ng masama. Sapagkat Iyo ang kaharian, at kapangyarihan, At ang kadakilaan, magpakailanman. Amen. Ang kagandahang-loob ng Panginoong Jesu-Cristo, ang pag-ibig ng Dios Ama at ang pakikipisan ng Banal na Espiritu Santo ay suma-amin nawa ngayon at magpakailanman. Amen.

02.01.2022 Father, help those who are hurtling today so they may see and know Your loving.presence in their darkest hours. Amen.

01.01.2022 Jesus, thank You for giving Your life for us. Help us trust You as we grow into followers whose lives look more and more like Yours, knowing that You are the one who makes us complete. Amen.

01.01.2022 Loving God, thank You for the grace You give us to obey You, and the peace You give us as we stay near. Amen.

Related searches