Australia Free Web Directory

Tagalog Association of Australia in Mount Druitt | Non-profit organisation



Click/Tap
to load big map

Tagalog Association of Australia

Locality: Mount Druitt

Phone: +61 410 464 107



Address: 72A Mount Druitt Road 2770 Mount Druitt, NSW, Australia

Website:

Likes: 606

Reviews

Add review



Tags

Click/Tap
to load big map

25.01.2022 Ang pamunuan at kasapi ng Tagalog Association of Australia - TAA ay lubos na nagpapasalamat sa lahat na sumuporta, nakinig sa himpilan ng radyo at sinundan ng panunuod sa TAA FB live ang aming Balagtasan sa taong 2020. Lubos din po ang aming pasasalamat sa mga suportang aming natanggap sa embahado ng Pilipinas sa aming Kagalanggalang na HE Ma. Hellen de la Vega at ang aming masipag na Konsul Heneral ng Sydney Australia Konsul Sir Ezzedin Tago, KGOR at pati na rin ng mga emple...yado ng embahado at konsulado. Sa aking mga kapatid at mga kasama sa TAA sa pamumuno ni Cesar Bartolome bilang Pangulo, Ross Aguilar Pangalawang Pangulo Panluob, Lillian de los Reyes Pangalawang Pangulo Panlabas, Jinky Marsh Kalihim, Rolly Metierre nakaraang Pangulo at mga orihinal na kasapi ng TAA na sina; Cecille Aguilar, Josie Peralta, Jhun Morales, Cristina Morales, Albert Nera, Bert Magsakay, Joey Gabriel, Jeffrey Mendoza, Christy and Basil Pangilinan, Annabelle Regalado, Ellen Chan, Lianne Cabsaba, Liz Angeles, at ang aming mga Patnugot (or advisers) Dr Sir Floro Quibuyen, KCR; Councilor Najji Najar, Sir Ian Treacy, Dr. Aida Morden, at ang aming Legal Adviser na sina; Robert Balzola at Brett Hurley. Nagpapasalamat din po ako sa mga magigiting naming mambabalagtas na sina; Ross Aguilar, Cesar Bartolome, Rado Gatchalian, Eric Maliwat at iba pang mga mambabalagtas at aming mga kasama at kapatid na lumahok noong mga nakaraang balagtasan na sina; Ka Obet Dionisio aka makatang sampay bakod, Max Lopez, Rolly Metierre, Albert Nera, Cecille Aguilar, Daisy Cumming, Tessie Cayanan. Lubos din po ang aming pasasalamat sa aming sponsors na laging tumutulong sa aming Balagtasan; Ma. Aileen Labiga, Manager ng Invocare Memorial Parks and Garden at SMDC. Marami pong Salamat at Mabuhay ang Pilipinas at mga Pilipino. See more



23.01.2022 Public Announcement: Balagtasan 2020 Ating Kilalanin ang ating Lakandiwa’t mga Mambabalagtas sa Taong ito. Itong Lunes po, Agosto 17, 2020, 8PM(6PM Manila tim...e), inyo po sanang suportahan at antabayanan ang ating Balagtasan na pinagkakaloob sa inyo ng Tagalog Association of Australia bilang pagdiriwang ng ating Buwan ng Wikang Pambansa at kayo ang humatol Bayan! 17 August 2020, Monday, 8PM ON AIR: PINOY RADIO 98.5FM ON FB LIVE: Tagalog Association of Australia FB page. Link: https://m.facebook.com/Tagalog-Association-of-Australia-569395269755265/ KAYA BA O HINDI KAYA MAGKAISA NG MGA PILIPINO? Lakandiwa: Danilo Peralta, tubong Bataan Para sa OO: Rado Gatchalian, tubong Pangasinan Cesar Bartolome, tubong Marikina Para sa HINDI: Ross Aguilar, tubong Bulacan Eric Maliwat, tubong Marikina LAKANDIWA: Danilo Peralta Si Danny Peralta ay isang retiradong accountant (CPA by profession) na maituturing na pioneering migrant na dumating dito sa Sydney, Australia kasama ng kaniyang pamilya noong 1974. Noong siya ay magretiro bilang accountant noong 1996, halos lahat ng kaniyang oras ay binuhos niya sa pagsisilbi sa komunidad ng mga Pilipino. Siya rin ang unang Pangulo ng Tagalog Association of Australia (TAA) na kung saan dito nagsimula ang Balagtasan noong 2012. Si Danny ay naging aktibo sa iba’t ibang asosasyon sa Sydney, Australia at sa kasalukuyan as siya ang Area Commander at Chapter Commander ng Knights of Rizal Eastern Australia, Sydney Chapter ANZO Region. Naging chairman din siya ng Knights of the Southern Cross Sydney City Branch na equivalent ng Knights of Columbus at naging State Treasurer. Naging aktibo din si Danny sa iba’t ibang organisasyon gaya ng: Treasurer ng Philippine Community Council of New South Wales; member, Launceston Jaycees; honorary member, Yanks Down Under; kasalukuyang Executive Director ng Filipino Australian Movement for Empowerment (FAME); Vice-President, Development Liberal Party Mount Druitt Branch; at Public Officer ng Research Institute for Sustainable Alternatives (RISAL Inc.) kasama si Dr Floro Quibuyen bilang Pangulo. Siya din ang sumusulat ng script ng Balagtasan na naging panuntunan upang maging taunang selebrasyon ng Buwan ng Wika na nagsilbing aktibidad ng TAA. Karamihan sa kanyang mga kapatid ay naninirahan na dito sa Sydney, Australia. Ang kanyang kabiyak as si Josefina at mayroon silang tatlong anak at limang apo. MAMBABALAGTAS PARA SA KAYA: Rado Gatchalian Bago lumipat sa Sydney, Australia, si Rado Gatchalian na Professional Licensed Secondary School Teacher (major in Values Education) sa Pilipinas ay nagturo sa University of Luzon (UL), Dagupan City, at Urdaneta City University (UCU). Siya ay nagturo ng Pilosopiya, Psychology, Humanities, Rizal, at iba pa. Siya rin ay nagsilbing Coordinator ng Extension Services - Community Outreach Centre ng UL. Maging sa UCU siya ay naging Guidance Counselor at Head ng Extension Services. Noong kanyang college days siya ay naging Pangulo ng Student Supreme Council, Literary-Editor, Community Student Volunteer, myembro ng College Editors’ Guild of the Philippines, at iba pa. Napagsumikapan nyang gawin ang mga ito at makapagtapos sa kolehiyo bilang isang working student. Nagturo at namuno ng isang opisina sa Unibersidad sa napakaagang edad na 21. Sa simula pa lang ay nahumaling sya sa pagsulat ng tula. Nagsilbi rin siyang representative ng Pangasinan province sa 4th National Youth Parliament, Cagayan de Oro City, 2002. Noong siya ay nagtungo sa Sydney, Australia, patuloy niyang binahagi ang kanyang pagkahumaling at pagmamahal sa kultura, sa bayan, sining, at literatura. Nagsilbi siyang Vice-President External ng Philippine Community Council of NSW noong 2019. Sa kasalukuyan, siya ang VP ng One Pangasinan Association of Australia at Archivist ng Knights of Rizal Northern Sydney Chapter. Isa siya sa nagsilbing convenors ng April30forDU30 Rally na nilahukan ng mahigit na isang libong Fil-Aussies dito sa Sydney noong 2016. Founder-Chairman ng April30forDU30 Global Movement at nagsisilbing DU30 Correspondent ng Australia. Siya ay may RaDU30Advocacy blogs sa Facebook na may 25,000 followers. Isa siya sa nabigyan ng pagkakataon na makaharap ang Pangulong Duterte sa Malacanang noong 2019. Si Rado ay nagsusulat para sa The Philippine Community Herald Newspaper, Bayanihan News, at Humanist Alliance of the Philippines, Inc. Siya ay nakapagbasa ng kanyang mga tula sa mga local na Filipino radio shows kabilang na ang SBS Radio dito sa Australia. Nalimbag din sa Philippine Daily Inquirer ang ilan sa kanyang mga artikulo. Siya ay kasalukuyang aktibo sa adbokasiyang paghahanap sa Kaluluwang Pilipino na kung saan kanyang binabahagi ang kanyang panulat sa Facebook page/group na The FILOsopher. Kanyang nakapanayam sina F Sionil Jose, National Artist for Literature, at Pilita Corrales. Mayroon din syang ibang FB pages na nagbibigay halaga sa tula, literacy, Rizal, at self-improvement. Si Rado ay alumnus ng Dale Carnegie Training dito sa Australia. May dalawang anak na sina Jostein Emmanuel at Ayn Rand Shanti mula sa kanyang naging dating irog na si Mary Ann. Cesar Feliciano Bartolome Si Cesar Bartolome ay isang Engineer na nagtapos sa FEATI University at nakakuha ng mataas na antas (5th placer) sa Mechanical Engineering Professional Examination sa Pilipinas. Sa kanyang maraming top level management position at mataas na karanasan sa mga kompanya sa Pilipinas, ito ay naging batayan ng mabilis na pag-migrate ng kanyang buong pamilya sa Australia. Si Cesar ay isang Manager sa Train Tract Operation ng Sydney Trains. Siya ay kasalukuyang Regional Commander ng Knights of Rizal sa ANZO Region at Vice-President External ng Philippine Community Council of NSW. Siya rin ang founding member/Executive Director ng Filipino Australian Movement for Empowerment (FAME) na naging sandigan upang magbigay suporta sa mga Pilipino sa Australia na lumahok sa politika. Sa lawak ng karanasan ni Cesar hindi lang sa pribadong sector at maging sa Filipino community, siya ay naging ehemplo ng mahusay at magaling na paglilingkod bilang isang lider. Siya ang kasalukuyang Pangulo ng Tagalog Association of Australia. Ang kanyang kabiyak ay si Mayumi at mayroon silang tatlong anak at dalawang apo. MAMBABALAGTAS PARA SA HINDI KAYA: Ross Aguilar Si Ross Aguilar ay isa sa mga original/pioneering migrant dito sa Sydney, Australia. Siya ay dumating sa Australia noong 1973 na noong panahong iyon ay kakaunti pa lamang ang mga Filipino migrants dito sa Australia. Si Ross, kasama ang kanyang kabiyak na si Cecille, ay naging bahagi ng iba’t ibang negosyo dito sa Australia. Nagsimula ang kanilang business nang magtayo sila ng maliit na kainan sa Central District of Sydney na kung tawagin ay Kingscross. Bagama’t bago pa lamang sila ay naging matagumpay pa rin na nagsilbing ehemplo para sa maraming Pilipino. Sa kanilang patuloy na pag-aaral, silang mag-asawa ay pumasok din sa Real Estate. Naging matagumpay ang kanilang pagsusumikap sa Real Estate at kasama na rito ang matulungan ang mga bagong Filipino migrants sa pagbili ng bahay at lupa dito sa Australia. Habang abala sa pagtaguyod ng kanilang family business, si Ross ay nagtratrabaho din ng full-time bilang train driver na sa panahong iyon ay isang larangan na malaki ang kita dito sa Australia. Nagkaroon din sila ng opportunity na bilhin at magkaroon ng license ng isang FM radio station na kanilang tinawag na Pinoy Radio. Halos tatlumpong-taon na silang nag-ooperate ng radio station at ang Pinoy Radio ang siyang naging pioneering radio station ng mga Pilipino sa Sydney. Si Ross at ang kanyang asawa ay founding members ng Tagalog Association of Australia (TAA). Sa kasalukuyan, si Ross ang Vice-President Internal ng TAA. Sila ay may dalawang anak at isang apo. Eric Maliwat Si Eric Maliwat ay isang mahusay na manunulat at malaki ang karanasan sa radio at media. Ang kanyang malawak na karanasan sa radio at media na kanyang nagawa sa Pilipinas ay isang talent na kanyang ibinahagi dito sa Sydney, Australia lalo na sa Filipino community at iba pang ethnic groups. Si Eric ay kasalukuyang freelancer journalist at manunulat ng Philippine Community Herald Newspaper. Siya ay isa ring Pastor ng isang Christian group at naiimbita sa mga gatherings ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga patungkol sa ispiritwal at religious matters. Hindi matatawaran ang mga naibahaging tulong at pagmamahal ni Eric sa ating mga kababayan dito sa Sydney, Australia.

23.01.2022 Ang pamunuan at mga lupon ng aming samahang Tagalog Association of Australia ay muling nagaanyaya sa inyong lahat na makibahagi at makining ng aming Balagtasan 2020. Ito po ay live streaming direct from Sydney Australia sa himpilan ng Pinoy Radio 98.5FM sa lunes ika 17 ng Agosto magmula 8pm-9pm. Dahil po sa pandemyang CV19 ang Balagtasan sa taong ito 2020 ay mapapakinggan lamang sa radio at masusubaybayan din sa aming TAA FB live. Ito ay aming handog sa mga Pilipinong naninirahan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa upang ipagdiwang natin ang ating 'Buwan ng Wika". Ang tema po ng aming Balagtasan ngayong taon 2020 ay: PAGKAKAISA NG MGA PILIPINO. TANONG: KAYA BA O HINDI KAYANG MAG KAISA ANG MGA PILIPINO. Mabuhay and Pilipinas at Mabuhay Po Tayong Lahat.

20.01.2022 Sa huling pag kakataon at sa pagsalubong ng unang araw ng spring dito sa Australia ay muli po namin kayong inaanyayahang makinig sa himpilan ng Radio 98.5FM para muling mapakinggan ang aming TAA Balagtasan 2020 na magsisimula ng 9:10pm ngayong gabi. Tumawag langh po sa libreng Radio Telepono numero 8080 5656 para mapakinggan live ang Balagtasan. Marami pong Salamat.



16.01.2022 Public Announcement: Balagtasan 2020 (Radio/Online) Kaya Ba o Hindi Kaya Magkaisa ng mga Pilipino? Sa aking mga kaibigan at kababayan dito sa Australia, Pilipinas, o maging sa ibang bansa, Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, nais pong ihandog ng Tagalog Association of Australia ang isang balagtasan. Ang inyong abang lingkod ay magiging bahagi po sa balagtasang ito. Sana po ay inyong suportahan at subaybayan! 17 August 2020, Monday, 8PM ON AIR: PINOY RADIO 98.5FM... ON FB LIVE: Tagalog Association of Australia FB page. Ito po ang link ng page https://m.facebook.com/Tagalog-Association-of-Australia-569395269755265/ KAYA BA O HINDI KAYA MAGKAISA NG MGA PILIPINO? Lakandiwa: Danilo Peralta, tubong Bataan Para sa OO: Rado Gatchalian, tubong Pangasinan Cesar Bartolome, tubong Marikina Para sa HINDI: Ross Aguilar, tubong Bulacan Eric Maliwat, tubong Marikina Maraming salamat po! Ating patuloy na pagyamanin, mahalin, at tangkilin ang ating Sariling Wika! #TagalogAssociationofAustralia #Balagtasan2020 See more

16.01.2022 BALAGTASAN AUSTRALIA 2020

04.01.2022 COMMUNITY EVENT Ngayong ika-8:00 ng gabi na po! Mapapakinggan din sa RADYO TELEFONO - i dial ang FREE number 8080 5656 at makinig sa iyong earphone o speaker p...hone Manood o makinig sa big screen TV monitor na naka Chromecast, o kaya ay gamit ang internet at anyayahan ang mga kabigan na mag WATCH PARTY sa Facebook at magkakasabay na makinig. Sumali sa mainit na debate! Maglagay ng COMMENT kung ano ang iyong kuro-kuro - PAGKAKAISA NG MGA PILIPINO : KAYA O HINDI KAYA? Maaaring basahin ito on air sa Pinoy Radio 98.5 FM. Pwede rin na makinig sa online streaming saan man sa mundo. I - click lang ang LISTEN LIVE sa link na ito : https://radio2tripleo.com.au



02.01.2022 Muli, kayo ay aming inaanyayahang makinig sa Radyo 98.5FM at sa TAA FBLive sa Lunes ika 17 ng Agosto 2020 mula alas 8 hanggang alas 9 ng gabi sa isa na namang m...asayang Balagtasan na handog sa inyo ng Tagalog Association of Australia sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Mapapakinggan niyo rin sa programang iyon ang mensahe ng ating Kgg na Ambassador at Kgg na Consul General. Maraming salamat po. Mula sa Sydney, NSW Australia! O siya ako naman ! Hahaha

Related searches